Latest News

LTO nagpaalala vs pagpapasakay ng bata sa overloaded tricycles

Nagpaalala ang Land Transportation Office sa mga magulang at guardian ng mga estudyante na maging maingat sa pagpapasakay ng mga bata sa punuan na tricycles at motorsiklo, ngayong mas marami nang bata ang pumapasok sa in-person classes.

“Five to six a.m. marami kaming nakikitang tricycle na overload. Yung iba pinapababa. Pero we cannot avoid eh. Gustong nagmamadali yung mga bata winarningnan natin kasi interes pa rin natin yung safety ng mga bata,” ani LTO Metro Manila director Clarence Guinto.

Sa ilang lungsod gaya ng Quezon City, dapat apat lang ang naka-sakay sa tricycle, kabilang ang tsuper.

Kung sasakay naman ng motorsiklo, nagpaalala ang LTO na dapat isa lang dapat ang naka-backride.

Kung bata ang sakay nito, dapat umaabot ang paa sa foot peg, nakayakap nang maayos sa nagmamaneho at naka-helmet.

Mahaharap sa paglabag sa Children’s Safety on Motorcycle Act of 2015 ang mga lalabag dito.

Samantala nasa P3,000 hanggang P10,000 ang multa para rito.

Tags:

You May Also Like

Most Read