Latest News

LTGEN. SERMONIA, BALIK-MAYNILA, NO.2 MAN NG PNP, SINUSURI

BALIK-Maynila si PNP Area Police Command Visaya’s Chief Police Lt. Gen. Rodel Sermonia, hanggang walang nahihirang na opisyal para gumanap bilang No.2 man ng Philippine National Police.

Ito’y makaraang magretiro sa serbisyo si PNP Deputy Chief for Administration Police Lt. General Jose Chiquito Malayo kamakalawa.

Nabatid na bilang pagtugon sa National Police Commission resolution kaugnay sa pagtatalaga sa mga police senior officials sa PNP command staff ay nagsumite si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr., ng mga pangalan na maaring humalili sa bakanteng TDCA position


May tatlong pangalan ng heneral ang sinumite ni Gen Azurin sa National Police Commission para pagpilian bilang bagong deputy chief for administration, ang pangalawang pinakamataas na pwesto sa PNP.

Habang wala pang nahihirang ay napag alamang pansamantalang papalit bilang officer-in-charge ng tanggapan ng TDCA si Police Lt. Gen. Rodel Sermonia ng PNP Visayan Command.


Sinasabing sabay na hahawakan ni Sermonia ang kanyang kasalukuyang pwesto at ang tanggapan ng TDCA hanggang may mahanap na kapalit ni Malayo.

Una na ring nagsilbi si Sermonia bilang TDCA, simula noong panahon ni dating PNP Chief Ret. Police Gen. Dionardo Carlos hanggang sa inilipat siya ni Azurin bilang area police command chief sa Visayas. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Chief Police Lt. Gen. Rodel Sermonia

You May Also Like

Most Read