LT. GEN DANAO, NAKIPAG-UGNAYAN SA AFP WESTMINCOM

NAGBIGAY-PUGAY at nakipag- ugnayan si Police Lt. Gen. Vicente Danao, Jr., Commander ng PNP-Area Police Command (APC), at Police Brig. Gen. Neil Alinsangan, Acting Regional Director ng Police Regional Office 9, kay kay Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., commander ng AFP Western Mindanao Command .

Layunin ng pagbisita ng mataas na PNP officials sa pamunuan ng WESTMINCOM na matiyak na may magandang relasyon ang AFP at PNP at inter-operability ng dalawang puwersa, upang matiyak na magiging epektibo ang kanilang pagtalima sa kanilang mandato.

Ang mga opisyal at tauhan ng WestMinCom ay nagbigay ng Foyer Honors kina LtGen Danao at Brig. Gen Alinsangan sa kanilang pagdating sa WestMinCom Headquarters sa Camp Navarro, Calarian, sa lungsod ng Zamboanga.


Ang pagbisita nina Lt. Gen. Danao, Jr. at Brig. Gen. Alinsangan ay naglalayong higit pang palakasin ang pagtutulungan ng PNP at AFP para sa kapayapaan at kaayusan sa Southwestern Philippines.

“We build stronger relationships among us so that we will be able to unify our efforts for the common good,” ani Lt. Gen. Rosario, Jr. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Jr., Police Lt. Gen. Vicente Danao

You May Also Like

Most Read