Hindi muna makasasakay ang mga commuter sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa December 3 hanggang December 4.
Batay sa anunsyo ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), magkakaroon sila ng preparation para sa pagbubukas muli ng LRT-1 Roosevelt station.
“No LRT-1 operations on the following dates for operational readiness tests,” ayon sa LRMC.
Kaya naman inabisuhan na ni LRMC chief operating officer Rolando Paulino III ang mga biyahero na planuhin na ang kanilang pagko-commute para sa parating na weekend.
“We advise our passengers to plan their trips ahead. We assure the public that the upcoming weekend closure with temporary inconvenience will result in long-term benefits for our commuters,” ayon kay Paulino.
Inaasahan naman na bubuksan na ang Roosevelt Station sa December 5. Matatandaan na isinarado ito noon pang 2020 para sa pagtatayo ng Common Station.














