LRT-1, magsususpinde ng operasyon sa Mahal na Araw

By: Carl Angelo

Nakatakdang magpatupad ng suspensiyon sa operasyon ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Mahal na Araw.

Inihayag kahapon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na ang suspensiyon ng operasyon ng LRT-1 ay magsisimula sa Marso 27, Miyerkules Santo at magtatagal hanggang sa Marso 31, Easter Sunday.


Magbabalik sa normal ang operasyon ng LRT-1 sa Abril 1, Lunes.

Ang LRT-1 ay bumibiyahe mula at pabalik ng Baclaran Station hanggang Fernando Poe Jr. Station.

Ayon sa LRMC ito ay upang bigyang-daan ang kanilang taunang maintenance activities at mandatory testing activities na may kinalaman sa Alstom signaling system para sa Cavite Extension project ng LRT-1.


Bago niyan ay nag-anunsiyo na rin ng suspensiyon ng operasyon para sa Mahal na Araw ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR).


Tags: Light Rail Manila Corporation (LRMC)

You May Also Like