Latest News

LOYALTY CHECK SA HANAY NG PNP, DI KAILANGAN

By: Victor Baldemor Ruiz

NILINAW kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda, Jr., na walang pangangailangan para magsagawa pa ng ‘loyalty check; sa kanilang hanay.

Kasunod ito ng ginawa niyang paghahain ng pormal na reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa retired army general at vlogger na si Johnny Macanas dahil sa pagdadawit sa kanya, gayundin kay AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr,., sa usapin ng umano’y destabilisasyon laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.

Tiniyak ni Acorda sa publiko na nananatiling buo at matatag ang suporta ng buong hanay ng Pambansang Pulisya kay Pangulong Marcos, Jr. bilang kanilang Commander-in-Chief at sa sinumpaan nilang mandato na igagalang ang saligang-batas at ang watawat ng Pilipinas.


Samantala, sa panig ng AFP, nilinaw ng pamunuan ng Hukbo na buong- buo ang kanilang suporta kay PBBM at hindi umano nila papatulan ang anumang isusulong na destabilisasyon kahit pa isang retired general, naging tagapagsalita ng Army 4th infantry division at dating pinuno ng army reserved force si Macanas.

Una nang sinabi ni AFP Spokesperson, Col. Medel Aguilar na nakatutok sila ngayon sa mas mahalagang misyon tulad ng laban kontra-terorismo, insurgency at pagtatanggol ng soberanya ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Kahapon ay nagkasama-sama ang mga matataas na opisyal ng PNP sa Camp Crame para sa tradisyunal na New Year’s call. Pangungunahan ito ni Acorda kasama ang kanyang command group.

Dito ay inaasahang magbibgay siya ng direktiba sa mga mga senior officers kasama ang directorial staff, regional, provincial at city directors at head ng mga support unit.


Kinahapunan ay hinarap naman sila ni DILG Secretary at National Police Commission chairman Atty Benjamin Abalos, Jr.

Napag-alaman na ang New Year’s call ay isang tradisyon sa uniformed service kung saan nagbibigay ng courtesy ang mga subordinate leader sa kanilang mga commander.

Tags: Jr., Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda

You May Also Like

Most Read