‘LOW TURNOUT’ SA BIVALENT VACCINES IKINADISMAYA

By: Victor Baldemor Ruiz

MAY mga kumakalat ngayong isyu hinggil sa epekto ng COVID-19 vaccine na umano’y dahilan ng pagdami ng cancer cases sa Pilipinas na nakaka –alarma sa ilang health experts dahil maaaring maapektuhan nito ang programa ng gobyerno sa giyera kontra corona virus.

Ayon sa mga dalubhasa, gawa-gawa lamang ito ng ilang grupo na kontra o kaya ay takot sa pagpapabakuna dahil wala naman silang pinanghahawakan medical datos na maaring pagbasehan .


Paliwanag ng ilang health mula sa DOH at maging sa mga LGU health services hindi ito dapat paniwalaan. Dapat umanong maging science base ang alegasyon na dumadami ang may cancer ngayon dahil sa epekto ng bakuna .

Sinasabing nakakadismaya na matapos na magluwag ang health emergency status sa bansa ay bumaba na ang bilang ng mga tao maging sa hanay ng mga health workers ang nag-aavail ng second booster shot na siya namang pangunahing requirement para maturukan ng pinakabagong bivalent vaccine na panlaban sa ilang bagong strain ng corona virus.

Maging si Manila Mayor Honey Lacuna ay nagpahayag ng kanyang dis- appointment sa low turnout ng health workers na nag-avail ng bivalent vaccines.


Sinabi ni Lacuna sa monthly forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), ang MACHRA’S Balitaan” na ginanap sa Harbour View Restaurant, na ang allocation na 32,000 doses ng bivalent vaccine sa national government ay napakaliit, gayunman kakaunti pa rin ang nagpaturok ng kanilang bivalent vaccine.

Matatandaan na kamakailan ay pinangunahan ni Lacuna ang rollout ng bivalent vaccines sa Sta. Ana Hospital kung saan siya mismo ang nagbakuna kay hospital director Dr. Grace Padilla, at iba pa.


Lumilitaw ayon kay Lacuna, na isa ring doktor, na marami sa medical health workers ay wala pang 2nd booster na siyang requisite para turukan ng bivalent vaccine.

Ipinaliwanag ng alkalde na ang bivalent ay itinuturing bilang third booster at dahil dito kailangan na magkaroon muna ng first at second booster shots bago turukan ng third booster.


Ayon pa sa lady mayor, siya at ang mga health cluster ng lungsod ay nag- uusap na magbibigay sila ng palugit na isang linggo at pagkatapos ay ibibigay na nila ito sa senior citizens na kabilang din sa priority groups.

Ang pagluwag ng restriksyon sa health protocols ang dahilan itinuturo ng alkalde sa kawalan ng interes na magpaturok ng bivalent shots. Isa pa dito ay tuluyang pag-alis ng public health emergency status ng World Health Organization.



Tags: Departmemt of Health (DOH)

You May Also Like