“Low risk” classification ng NCR, nananatili

BUMABA pa sa 4% ang positivity rate ng National Capital Region (NCR) at nanatili pa rin ito sa low risk classification sa COVID-19.

Ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, hanggang nitong Biyernes,Pebrero 25, ang NCR ay may reproduction number ma 0.21; ang healthcare utilization rate ay nasa 25%; at ang intensive care unit utilization rate ay nasa 27%.

Angaverage daily attack rate ay nasa “moderate” na 2.30.


Nabatid na ang positivity rate ay tumutukoy sa percentage ng mga tao na na nagpositibo sa COVID-19 sa kabuuang bilang na nasuri.

Habang ang reproduction rate ay tumutukoy bilang ng mga tao na nahawa sa isang kaso na nagpositibo ang reprosuction number na mas mababa sa 1 ay isang indikasyonnna ang hawaan ay bumagal.

Kaugnay nito ,ang Aurora at Quezon ay nasa “very low” risk kung saan ang Quezon ay may positivity rate na 3%.

Ang Bataan, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Rizal, Zambales ay nasa low risk.


Magugunita na sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III noong Huwebes dahil sa pagbaba ng mga datos,nakahanda na ang NCR na mailagay sa pinakamaluwag na Alert Level 1 sa Marso 1. (Jaymel Manuel)

Tags: OCTA Research Group fellow Dr. Guido David

You May Also Like

Most Read