Longest celebrity golf tournament nagbalik na

NI GERRY OCAMPO

ANG longest celebrity golf tournament ay muling nagbabalik na inorganisa ng multi awarded broadcast journalist na si Arnold “Igan” Clavio, the Founder/President of Igan Ng Pilipinas Foundation, Inc.


Ang 19th IGan Cup ay ginanap last August 8, 2022 sa Eastridge Golf and Country Club in Binangonan, Rizal, na successful ang tournament na kung saan 217 golfers ang lumahok.

Lahat ng golfer na sumali sinalubong ng lootbags, giveaways, and raffles prizes, vigorous host, acoustic live band, and deliciously dinner buffet.

Yearly ay idinaraos ang IGan Golf Tournament pero natigil dahil sa pandemic na dinanas ng bansa.


Ngayon ay muling aarangkada ang IGan Golf Tournament dahil na rin sa request ng mga professional at non-professional golfer.

Take note, hindi basta-basta golfer ang sumasali at lumahok dahil nandiyan ang mga sikat na golfer na naging champion na rin sa ibang bansa at mga sikat na celebrity na mahilig maglaro ng golf.


Bukod sa IGan Golf Tournament ay tumutulong din si Igan sa mga kabataan na may mga diebetic at lahat ng kailangan gamot at bayarin para sa pagpapatingin ng mga kabataan ay sagot ng Igan Foundation.

Bukod sa gastos sa gamot ay sagot din ng Igan Foundation ang doctor fee na siyang nag-aasikaso sa lahat ng mga kabataan na may diabetic. Kaya walang alalahanin ang mga kabataan nasa pangangalaga ngayon ng IGan Foundation.


“Alam ko ang hirap ng may sakit ng diabetic. Ang gastos at kung wala kang panggastos sa araw-araw panlunas sa sakit ay napakahirap,” say ni Igan.

Tags: Arnold “Igan” Clavio

You May Also Like

Most Read