WINAKASAN na ng PNP-PRO5 ang paghihirap ng dalawang paslit sa kamay ng isang 63 -nyos na lolo na tinaguriang “rank 1 regional most wanted” ng PNP- Bikol at nahaharap sa 900 counts ng Statutory Rape at 382 counts ng Rape, nang madakip ito ng mga tauhan ni Regional Director Jonnel C Estomo.
Ayon sa ulat mula sa Catanduanes Police Provincial Office, isang law enforcement operation ang inilunsad ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ng Caramoran MPS, Regional Intelligence Unit- Provincial Intelligence Team (RIU-PIT) 6 Catanduanes, Criminal Investigation and Detective Group-Provincial Field Unit Catanduanes (CIDG-PFU, Provincial Intelligence Unit (PIU) at Catanduanes 2nd Provincial Mobile Force Company (Cat2nd PMFC) para sa kapakanan ng dalawang menor de edad na nagharap ng reklamo laban kay “Ai”, ang suspek na nadakip lamakalawa sa bayan ng g Caramoran.
Si Ai ay tinaguriang rank 1 Regional Most Wanted Person ng Bikol dahil sa patong-patong na kaso ng panggagahasa.
Batay sa inilabas na warrant of arrest na inisyu ni Hon Genie G. Gapas-Agbada, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 42, Virac, Catanduanes para sa 900 counts ng Statutory Rape, 382 counts ng Rape, at isa pang hiwalay na kaso ng 150 counts ng Statutory Rape sa ilalim ng Criminal Case Numbers 9609 hanggang 9758; at 55 counts ng rape na may Criminal Case Numbers 9759 hangang 9813.
Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa lahat ng 1, 487 bilang ng kaso para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Sa ilalim ng RA 8353 o Anti Rape Law, ang pang-aabusong sekswal sa lalaki man o babae na may edad na 12 anyos pababa ay tinatawag na Statutory Rape at mas pinabibigat nito ang kasong sinampa.
Sa kaso ng dalawang naging biktima, sila ay pinagsamantalahan mula sa edad na 8 hangang sa mag 13 anyos habang ang pinsan nito na isa ring biktima ay pinagmasantalahan nang siya ay 9 na taong gulang hanggang siya ay mag 12 anyos.
Sila ay kapwa nasa pangangalaga ngayon ng isang safe haven, at binibigyan ng karampatang atensyon at interbensyon upang malayo sila sa panganib at tulungang mamuhay ng payapa.
Sa ngayon ang suspek ay nakakulong sa Caramoran MPS at nakatakdang ipresenta sa hukuman. (VICTOR BALDEMOR)
(DISCLAIMER: Ang mga pangalan ng mga sangkot partikular na ang mga biktima at ibang detalye ay sadyang itinago upang maprotektahan ang kanilang pagkakakilanlan alinsunod sa probisyon na itinakda sa ilalim ng RA10173 o Data Privacy Act of 2012.)