DEAD on the spot ang isang septuagenarian na lolo nang barilin ito sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek habang nagpapatuka ng kanyang panabong na manok sa bayan ng Carcar sa lalawigan ng Cebu.
Kinilala ang biktimang si Emmanuel Alcuizar, 65, Sityo Laray Baracca, Brgy. Poblacion 3, ng nasabing lungsod.
Inaalam pa ng Carcar City Police Station ang pagkakakilanlan ng salarin at kung ano ang motibo nito sa pagpaslang sa matandang biktima.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na bandang alas-5:30 ng umaga habang nagpapakain ang biktima ng mga manok nang biglang dumating ang suspek, sakay ng motorsiklo.
Agad na nilapitan ng suspek ang biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril ang kanyang target sa ulo na naging sanhi ng daglian nitong pagkasawi .
Target ngayon ng manhunt operation ng Carcar City- PNP ang suspek na nagawang agad na makatakas sa crime scene.














