Inoobserbahan sa Ospital ng Maynila ang isang 66-anyos matandang lalaki matapos na suntukin ng kanyang nakaalitan sa mukha at bumagsak sa sementadong kalsada,kamakalawa ng hapon sa Road 6 Fabie Estate ,Sta Ana,Maynila.
Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police District-Police Station 6 ang suspek na si Narciso Plantilla Jr y Villar,alyas OXO, 52,pintor at taga 1815 Road 14 Fabie Estate Brgy 788 Sta Ana.
Nakaratay at inoobserbahan sa pagamutan ang biktimang si Roberto King y Tiberio, 66 at residente ng 1759 Road 17 Fabie Estate Brgy 812 Paco.
Sa imbestigasyon ng San Andres PCP, naganap ang insidente alas- 5:30 ng hapon kung saan base sa recors ng CCTV ,nakita na nagtatalo ang biktima at suspek ,maya-maya pa ay nakitang sinuntok ni Plantilla ang biktima na kaagad bumagsak sa kalsada at tumama ang ulo.
Isinugod ang biktima sa pagamutan at inireklamo naman ni Susan Javier,kapatid ng biktima ang suspek dahilan para ito arestuhin.
Sinampahan ng kasong Frustrated homicide sa Manila Prosecutors Office ang suspek. (Arsenio Tan)