Latest News

LOLANG MAY 16 KASONG ESTAFA, INARESTO NG MPD

By: Baby Cuevas

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District – District Special Operation Unit (MPD-DSOU) ang isang 68- anyos na senior citizen na diumano ay ‘wanted’ sa 16 counts ng estafa sa isinagawang operasyon sa Room 702, 7th Floor, IPI Tower, Gil Puyat Avenue, Pasay City kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng MPD-DSOU ang suspek na si alyas Dory, nanunuluyan sa nabanggit ng lugar at diumano ay may limang taon nang nagtatago sa batas.

Si ‘Dory’ ay naaresto ng mga awtoridad alas -6:50 ng gabi sa nabanggit na lugar sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Assisting Judge Alexius P. Tang ng Metropolitan Trial Court Branch 63, Makati City,na may petsang Mayo 20, 2019.


Napag-alaman na itinakda sa 288,000 ang piyansa ng suspek para sa.kanyang pansamantalang kalayaan.

Natunton nina PSMS Mark Lester D Ong si Dory batay sa impormasyong nakalap ng kanilang tanggapan.


Bago isinilbi ang warrant of arrest sa suspek, napag-alaman na dati na rin itong inaresto dahil sa kasong estafa sa ilalim ng Article 315 (2) (A) of RPC at paglabag sa R.A. 8042, as amended by R.A. 9422 and R.A. 10022 (Illegal Recruitment Committed by a Syndicate and in Large Scale).


Tags: Manila Police District- District Special Operation Unit (MPD-DSOU)

You May Also Like