LOLA NINAKAWAN NA TINAGPAS PA ANG LEEG

By: Victor Baldemor Ruiz

MUNTIK MUNTIKAN nang matagpas ng tuluyan ang leeg ng isang 72 anyos na lola natapos na tagain sa ulo at leeg matapos na pagnakawan ng hindi pa nakikilalang salarin sa Brgy. District 2, Gamu, Isabela.

Sa ulat pinatay ang 72 anyos na lola na isang negosyante, at residente ng nasabing Barangay.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon na matapos na pasukin at pagnakawan ng hindi pa nakikilalang suspek ay tinangka pang pugutan ng ulo ang biktima nang tagain nito ang leeg ng kanyang biktima


Ayon sa Gamu Municipal Police Station, nadiskubre lamang ang karumal dumal na krimen ng mapuna ng mga kasamahan nito sa bahay na tanghali na subalit hindi pa lumalabas ang matanda sa kanyang kwarto na sinasabing regular na gumigising ng maaga.

Isang kamag anak umano ang nagpasyang silipin ito sa bintana ng kanyang kuwerto at nanghilakbot ito ng makitang duguan at naka handusay ang biktima .

Tumawag ito ng tulong sa isang kamag anak para mabuksan ang pinto at dito tumambad sa kanila ang wala nang buhay na katawan ng lola na may bakas pa ng pagkakataga sa ulo at leeg na halos humiwalay na ito.

Sinasabing nawawala umano ang pera at alahas ng biktima na pinaniniwalaang tinangay ng hindi pa nakikilalang suspek.


Patuloy na naghahanap ng lead ang mga awtoridad para matukoy ang kakikilanlan ng salarin dahil walang na-recover na ebidensya na makakapagturo dito .Hindi rin umano natagpuan ang murder weapon o mga ginamit sa pagnanakaw.

Tags: Gamu Municipal Police Station

You May Also Like

Most Read