Latest News

LOLA, DINAKIP SA BINONDO DAHIL SA TSEKENG TALBOG

By: Baby Cuevas

Dahil sa diumano ay pagtalbog ng tseke na kanyang inisyu, isang 62-anyos na lola ang dinakip ng Manila Police District.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng MPD-Station 11 ang suspek na si Veronica Domingo y Flores, ng No. 679 Pag-asa St., Gagalangin, Tondo, Maynila, matapos siyang arestuhin dakong alas- 8:40 ng umaga sa Meisic Street, Binondo,Maynila sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Noel Molato Ortega ng Quezon City Metropolitan Trial Court, Branch 33.


Inirekomenda ng korte ang P12, 000 piyansa para sa bawat isa sa two counts ng paglabag sa BP 22 at may petsang Pebrero 26,2024.

Tags: Manila Police District

You May Also Like