Malamang sa hindi ay sa loob na ng bilangguan gugulin ng isang 64-anyos na lola ang nalalabi niya pang mga taon matapos na arestuhin ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 12, kamakalawa ng hapon sa Delpan, Binondo, Maynila.
Ito ay dahil walang inirekomendang piyansa si Manila Regional Trial Court Presiding Judge Czarina Encarnacion,-Samonte Villanuevang Branch 36, para sa suspek na si Nelia Francisco y Matuginas, #227 Delpan, Bagong Pag Asa, Binondo, Maynila.
Ang suspek ay may apat na kasong may kaugnayan sa pagbebenta ng iligal na droga.
Nabatid na alas-4 ng hapon nang maaresto ng mga pulis ang suspek sa kanyang bahay.
Nakadetine sa MPD-PS 12 habang hinihintay ang commitment order mula sa korte. (Philip Reyes)