Lockdown sa eleksyon, malabo — Duque

WALA umanong nakilitang indikasyon si Health Secretary Francisco Duque III na posibleng magpatupad ng lockdown matapos ang halalan sa Mayo 9 dahil sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID 19.

“Sa ngayon, walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown matapos ang eleksyon,” ayon kay Duque .


Kung kinakailangan,sinabi ni Duque na.maari lamang magpatupad ng granular lock down at hindi malawakang lockdown.

Ayon sa DOH maari lamang na makaranas ng surge ng COVID19 sa kalagitnaan ng Mayo na maaring umaboy sa 500,000 aktibong kaso ,kung babalewalain ang minimum public health standards (MPHS).

Ayon sa DOH ang 50% di pagsunod sa MPHS ay maaring.magresulta nh 25,000 hanggang 60,000 COVID19 cases kada araw sa kalagitnaan ng Mayo.


Samantala ,ang 20% di pagsunod sa MPHS ay maaring maging dahilan ng pagkakaroon mg 34,788 aktibong kaso ng COVID 19 kada araw hanggang sa 300,000. (Anthony Quindoy)


Tags: Health Secretary Francisco Duque III

You May Also Like