LOCAL OCD CHIEF, PATAY SA AMBUSH

By: Victor Baldemor Ruiz

TULOY-tuloy na tinututukan ng Philippine National Police (PNP) ang kaso ng pinaslang na local disaster chief ng Cotabato City na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang gunman.

Ayon sa ulat, napatay ang opisyal ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) matapos umanong tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin,.


Kinilala ng Cotabato Provincial Police Office (PPO) ang biktima na si Jose Raymond Marquez, chief of operations ng Cotabato CDRRMO.

Agad na inabot ng kanyang kamatayan si Marquez matapos ang ginawang pananambang kamakalawa ng gabi sa Barangay Rosary Heights 4.

Base sa paunang imbestigasyon ng Cotabato police, sakay ng motorsiklo at pauwi ng kaniyang bahay si Marquez nang barilin ng mga salarin, ayon kay Cotabato police director Querubin Mana­lang, Jr.


Nakuha ng mga awtoridad ang tatlong fire cartridge cases na pinaniniwalaang galing sa kalibre .45 na baril.

Nangalap naman ang pulisya ng CCTV footage mula sa mga establisimyento at bahay na malapit sa crime scene kabilang bahagi ng Sinsuat Avenue sa Cotabato City, sa tapat mismo ng isang gasoline station na hindi kalayuan sa kanyang tirahan.


Samantala, inutos ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang masusing imbestigasyon sa insidente at nanawagan ng katarungan para sa biktima.


Tags: Jose Raymond Marquez

You May Also Like