Si 'Spring in Prague' lead star Paolo Gumabao at film producer Atty. Ferdie Topacio (kanan) sa premiere night ng pelikula kasama ang leading lady na si Sara Sandeva.

LOCAL FILM HINIMOK NI ATTY. TOPACIO NA GAYAHIN ANG PRAGUE UKOL SA TAX REBATES

By: Jerry S. Tan

Nanawagan ang sikat na abogado, media personality at film na si Atty. Ferdinand Topacio na gayahin sana ng Pilipinas ang Prague pagdating sa pagsuporta sa film makers at movie industry, partikular na sa pag-handle ng tax rebates para sa mga producer ng pelikula.

Sa premiere night ng ‘Spring In Prague’ na gawa ng kanyang production film outfit Borracho Films, sinabi ni Topacio na nang mag-shooting sila sa Prague, nakakuha sila ng permits sa location shoots at maging ng tax rebates nang mas mabilis kesa inaasahan. Isang Czech staff umano ang tumulong sa kanila sa permits upang makapag-shoot sa Sto. Nino de Prada at airport sa Prague.


Pinuri ni Topacio ang Film Council ng Czech Republic at aniya, “Bilib ako… eight days kami doon (Prague)…hindi pa ako nakakaalis, ‘yung tax rebate naibalik na ulit eh. Sana ganun din kabilis ang fillm development council natin. Dito kasi, inaabot ng taon ang rebate eh.”

Ayon pa kay Topacio, nabuo ang pelikula matapos niyang bumisita sa Prague kasama si former President Gloria Macapagal-Arroyo kung saan nabanggit sa kanila na maraming kababaihang Czech ang nai-in love sa mga Pilipino.

“The movie is no ordinary love story or romantic-comedy but a multi-layered one. It is full of symbolisms especially between democracy and communism. The scenes have symbols… the resort, ‘yung tubig, diving, all symbolize freedom, fate, destiny, liberation as well as renewal. Puerto Galera represented summer and freedom, winter was oppression, spring was liberation… ‘yun ang historical context niyan,” ani Topacio.


“It made reference to the Prague spring, ‘yung revolution in 1968 that was brutally suppressed by the Soviets when Czechoslovakia was still part of the Soviet orbit. Nung di pa bumabagsak ang USSR, komunista po dati sila, nagrebelde sila nung 1968 kinanyon sila ng Soviets o USSR until ung 1990s, nung mag-collapse na ang Soviet Union, sa experience nila sa oppresssion ng communism, dinisband nila ang communist party and they became a democratic party. ‘Yun ang Spring in Prague, ‘yung ‘Velvet Revoluton’ na sinasabi nung lead star. So, it’s historical,” dagdag pa niya.

Ipinaliwanag din ni Topacio ang eksena ng taunang ‘burning of witches’ sa Prague na ipinagdiriwang ang pag-uumpisa ng spring at aniya, “sinusunog nila ang winter to reborn…’yun ang allusion dun sa Spring in Prague, ‘yung oppression was cast off by the people of Prague, naging malaya sila,” Topacio explained.




Hitik din umano sa ‘symbolisms ang pelikula “between democracy and communism, oppresion and freedom, liberation and renewal, as well as fate and destiny. This is how movies should be made— pinaghihirapan, inabot ng ilang taon hindi slapped togeher very quickly na parang ginawa ng paa. This is art. We are not concerned with gross, we are concerned with greatness because a movie is forever.”

Ani Topacio, layon nilang itaas ang antas ng pelikulang Pilipino na makakabalik sa ‘golden age’ ng 70s, 80s at 90s na aniya ay talagang maganda ang pelikulang Pilipino.


Ang ‘Spring in Prague’ ay ipapalabas sa mga sinehan sa buong bansa sa February 4, 2026. Ito ay ukol sa pag-ibig na umusbong sa pagitang ng isang Czech woman (Sara Sandeva) at Filipino resort owner (Paolo Gumabao) at kung paano sa kabila ng mga matinding pagsubok at hamon ay nanaig pa din ang ‘fate’ at ‘destiny.’

Tags: Atty. Ferdie Topacio

You May Also Like