LOCAL ELECTIVE POST ASPIRANT, NILIKIDA

By: Victor Baldemor Ruiz

NILIKIDA ng riding-in-tandem suspects ang isang kandidato sa pagka-konsehal sa Northern Kabuntalan, Maguindanao del Norte nang sundan ito at pagbabarilin pagsapit sa Midsayap, Cotabato province.

Kinilala ang kandidato na si Jerry Beltran Dofredo, 46, dating konsehal at dating barangay kapitan ng Barangay Paulino Labio ng Northern Kabuntalan, habang inaalam pa ng kapulisan ang motibo at pagkakikilanlan ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.


Lumitaw sa pagsisiyasat na lulan ng kanyang minamanehong motorsiklo si Dofredo pauwi sa kanyang bahay nang dikitan at barilin sa likod ng mga suspek pagsapit sa hangganan ng Barangays Central Katingawan at San Isidro sa Midsayap.

Ayon kay Police Lt. Col. Realan Mamon, hepe ng Midsayap Police Office, dead- on- the -spot si Dofredo dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang anim na empty shells ng caliber .45 pistol na pinaniniwalaang ginamit ng mga salarin.


Tags: Jerry Beltran Dofredo

You May Also Like

Latest News