Latest News

‘Local case’ ang unang pasyente ng XBB.1.5 omicron subvariant sa bansa

Sinabi ng Department of Health (DOH) na walang “travel history” ang kauna-unahang kaso ng omicron subvariant XBB.1.5 kaya ikinukunsidera itong lokal na kaso lamang.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, naka-recover na ang pasyente na dumanas lamang ng mga mild symptoms ng sakit.

“Itong XBB.1.5 is a Filipino. Local siya na detection. There were no histories of any type of travel. Unknown ‘yung kanyang exposure,” saad ni Vergeire.


Natukoy na rin naman ng DOH ang mga close contacts ng pasyente na pawang mga walang sintomas.

Matatandaan na nakolekta ang sample ng pasyente noon pang Enero 9 kaya sa ngayon ay tapos na rin ang panahon na iku-quarantine ang kaniyang mga close contacts.


Kinikilala ngayon na “Kraken”, itinuturing ngayon na pinaka-nakakahawa na omicron subvariant ang XBB.1.5.

Natukoy ang variant na ito sa 59 mga bansa sa mundo at pinaniniwalaan naman ng US Center for Disease Control and Prevention na siyang dahilan ng 66.4% ng mga kaso sa Estados Unidos mula Enero 29 hanggang Pebrero 4, 2023. (Arsenio Tan)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read