LISTAHAN NG MGA NAG-RESIGN NA OPISYAL NG PNP, SASALAIN PA NG NAPOLCOM

MISTULANG dadaan sa butas ng karayom ang mga senior offficers ng Philippine National Police na tumugon sa apela ng DILG dahil sasalain pa ng National Police Commission ang listahan ng pangalan ng mga koronel at heneral na naghain ng courtesy resignation.

Ayon Interior Secretary Benjamin Abalos bago ito isalang Maliban sa vetting process na isasagawa ng binuong five-man committee.


Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Atty. Benhur Abalos na kapag nasala nang maigi ng NAPOLCOM ang listahan ng mga sinasabing tiwaling opisyal ng Philippine National Police (PNP) ay isusumite kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para sa approval kung sila ay tuluyang sisibakin sa pwesto.

Nilinaw ni Abalos na kailangan na piling-pili o dumaan sa proseso ang listahan na sinusuportahan ng mga intel reports at mga ebidensya.

inaasahang isasapubliko ng kalihim ang pangalan ng bubuo sa five-man committee na siyang magsasagawa ng ‘vetting procedures’.


Una nang sinabi ni Abalos na kasama si retired police general at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa five-man panel.

Hindi nito kinumpirma kahapon kung kasama si dating Senador Panfilo Lacson sa komite na siyang magsasagawa ng evaluation at assessment sa 954 full-fledged colonels and generals ng PNP, upang malaman kung sino ang mga kabilang sa ‘narco-cops’ o dawit sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Philippine National Police

You May Also Like

Most Read

Latest News