Lisensya ng may-ari ng SUV sa viral hit-and-run, ni-revoke na

Hindi na ulit makakapagmaneho ng sasakyan ang may-ari ng SUV na sangkot sa viral na hit-and-run incident matapos i-revoke ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya nito.

Ayon sa ulat, kasama sa pag-revoke ng lisensya ni Jose Antonio Sanvicente ang pagbabawal sa kanya na magmaneho at pagbabawal sa kanya na kumuha ulit ng lisensya.


Paliwanag ng LTO, ang pagsagasa ni Sanvicente sa isang security guard at pagtakas matapos ito ay isang gawain ng taong hindi dapat pinagmamanaeho ng sasakyan.

Nadiskubre din na si Sanvicente ay tatlong beses ng nahuli dahil sa reckless driving.

Bukod sa pag-revoke ng kanyang lisensya, nahaharap din ang may-ari ng SUV sa mga kasong frustrated murder at abandonment of one’s victim.


Matatandaang dalawang beses na hindi sumipot si Sanvicente sa pagdinig ng LTO nitong nakaraang linggo.


Tags: Land Transportation Office (LTO)

You May Also Like