PABOR ang ilang dati at aktibong opisyal ng hukbong sandatahan sa kahilingan kay Pangulong Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos na i-validate o masusing paimbestigahan ang sinasabing listahan ng mga government officials na sangkot sa agricultural smuggling .
Ito ay makaraang itanggi ng isang intelligence agency ng gobyerno na sa kanila nagmula ang sinasabing Senate list na hawak ni Senate President Vicente Tito Sotto na nag uugnay sa mataas na pinuno ng Bureau of Custom sa pangunguna ni Custom Commissioner Rey Leonardo Guerrero at mataas na pinuno ng Department of Agriculture.
Hinala ng ilang military officer na ang iba ay nakasama pa ni Retired AFP chief Gen Guerrero na posibleng kumikilos na ang limpak limpak na salapi ng Cartel para may mga mapagtakpan habang ginigiba naman ang mga pader na nagsisilbing sagabal sa kanilang smuggling operation gaya ni Guerrero.
Sa kanyang facebook account ay matapang na ipinaskil ni retired Southern Luzon Command at dating ELCAC Spokesperson Ltgen Antonio Parlade , “Mali si Senate President Vicente C. Sotto III para isipin na BOC lang ang kasama dito na dapat imbestigahan. Paano ang mga kasamahan nito sa ibang ahensya? Paano ang mga corrupt na AFP na kasabwat dito, lalo sa Western Mindanao?
Importanteng malaman at maintindihan ng taong bayan kung gaano ka seryoso at kalalim ang tinatawag na Cartel ani Parlade.”Hindi ito pader. Bundok ito kasing laki ng Mayon volcano. Mapanganib, malalim, at malawak ang nasasakupan.
PBBM knows better. Like I said, its bigger than we imagine. Even bigger than the elephant in the room, sabi nga ni VP Leni, the Senate room sa FB Post ng dating heneral.
Dito umano masusubukan ang political will ni President BBM at nakahandang umano silang suportahan ang Pangulo sa paglilinis ng mag ahensyang sangkot sa smuggling.
Una na ring kinuwestiyon ni Guerrero ang inilabas na listahan ng Senado matapos itanggi sa kanya ng Sandatahang Lakas (AFP), Philippine National Police (PNP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Bureau of Investigation (NBI) na sa kanila nanggaling ang listahan ng Senado na isinapubliko ni Senate President Vicente Sotto III, nitong nakalipas na buwan.
Subalit nanindigan si Si Sotto na nagmula sa intelligence network ng isang ahanesiya ng paniniktik ng gobyerno nagmula ang hawak niyang listahan na nakarating na rin sa tanggapan ng Ombudsman.
Magugunitang nanawagan din Senador Imee Marcos para sa mas malalim na imbestigasyon hinggil sa agricultural smuggling at para papanagutin ang mga sangkot sa iregularidad sa loob ng unang 100 araw ng bagong administrasyon.
Sa listahan na inilabas ni Senate President Vicente Sotto III, binanggit ang tinatayang 22 individuals, kabilang ang Bureau of Customs (BOC) chief na hinihinalang smugglers o kaya’y protectors.
Ang 63-page committee report ay binulatlat ni Sotto kasunod ng pagpupulong nila ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Batay raw sa intelligence information, pinangalanan sina Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, Deputy Commissioner for intelligence Raniel Ramiro, Deputy Commissioner Vener Baquiran; BOC directors Jeoffrey Tacio and Yasser Abbas bilang protectors daw ng smugglers.
Binanggit din sina Department of Agriculture (DA)-Bureau of Plant Industry director George Culaste; Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) director Eduardo Gongona, at Laarni Roxas ng plant quarantine services division ng DA-BPI o Bureau of Plant Industry.
Tinukoy rin naman daw si Navotas City Mayor Toby Tiangco na itinanggi ng alkalde, maging ang isang Mayor Jun Diamante na nag-o-operate raw sa Ports of Davao, Cagayan de Oro, Cebu at Subic; David Tan; Manuel Tan; Jude Logarta; Leah Cruz alias Luz Cruz o ang tinagurian daw na “Onion Queen;” Andy Chua; George Tan; David Bangayan; Tommy Go, Wilson Chua, at marami pang iba.
Ayon kay Sotto, ito raw ang dahilan kaya nakakalusot ang mga puslit o smuggled na gulay, prutas, manok, isda, karneng, baboy, at iba pang agricultural products.
Subalit itinanggi ng isang opisyal ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na sila ang source ng listahan ng mga pangalan ng mga pinaghihinalaang smugglers at kanilang protektor daw na nabanggit sa report ng Senate Committee of the Whole.
Dapat daw validated ito at may kasama talagang facts. (VICTOR BALDEMOR)