LIMANG WANTED PERSONALITIES, HULI NG PNP-CIDG

By: Victor Baldemor Ruiz

LIMANG itinuturing na mga ‘most wanted personalities’ ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon kay CIDG Director P/Major Gen. Nicolas Torre III, nalaglag sa kanilang inilatag na dragnet sa Brgy. Nagbinlod, Sta. Catalina, Negros Oriental ang mga suspek na pawang may mga kasong murder at attempted murder.


Ang mga suspek ay naging pakay ng manhunt operation matapos na isangkot sa pagpatay at pagkasugat ng ilang biktima sa Bayawan City dahil sa away sa lupa.

Dahil sa pagkakaaresto sa mga suspek, umaasa si Torre na maihahatid na ang hustisya sa naulilang pamilya ng mga biktima.

Sinabi pa ni Torre na kanila pang palalakasin ang anti-criminality operations ngayong nalalapit na ang 2025 Midterm Elections alinsunod sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil.


Tags: Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)

You May Also Like

Most Read