Limang sasakyan, nagkarambola, isa, sugatan

By: Baby Cuevas

Sugatan ang isang lalaki nang magkarambola ang limang sasakyan sa lungsod ng Maynila kahapon ng umaga dahil sa isang truck na nawalan umano ng preno.

Hindi naman kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng biktima, na siyang nagmamaneho ng isang hatchback na may plate number na NER-8321, at kabilang sa mga sasakyang nasangkot sa aksidente.


Batay sa ulat ni PCPL Rustom Arcyll De Guzman ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District-Manila District Traffic Enforcement Unit (MPD-MDTEU), nabatid na ang aksidente ay naganap dakong alas-6:25 ng umaga sa Pres. Quirino Avenue, sa Paco, Manila.

Binabagtas umano ng isang truck, na may plakang RND-916 at minamaneho ni Ronald Maglaque, ang southbound lane ng Pres. Quirino Avenue nang pagsapit sa kanto ng Plaza Dilao ay bigla siyang mawalan ng preno.

Naging dahilan ito upang masalpok ng truck ang apat pang sasakyan, na kinabibilangan ng hatchback, na minamaneho ng biktima; Wigo, na may plakang UVS-872 na minamaneho ni Crystian Francisco at taxi na may plakang UVS-872 at minamaneho ni Ronel Rosario at isa pang truck na may plakang RCT-742 at minamaneho ni Lauro Sarmiento.


Kaagad namang naisugod ang biktima sa Ospital ng Maynila upang malapatan ng lunas.


Tags: Manila Police District-Manila District Traffic Enforcement Unit (MPD-MDTEU)

You May Also Like