LIMANG kabahayan ang natupok matapos sumiklab ang isang sunog sa isang residential area sa panulukan ng Prudencio at Simoun Streets sa. Sampaloc, Maynila.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas -12:17 ng hapon na umabot sa unang alarma at idineklarang ‘fire out’ ala-3:26 ng hapon.
May 10 pamilya naman ang iniulat na nawalan ng tahanan at wala namang nasawi o nasaktan sa naganap na sunog.
Samantala, patuloy na inaalam ng arson division ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.














