LIMANG ADDICT, ARESTADO SA MPD

By: Baby Cuevas

Arestado ng mga operatiba ng Manila Police District – Station 1 ang limang adik sa shabu sa isinagawang Anti-illegal Drug Campaign kamakalawa ng gabi sa may Aroma Compound , Building 16, Temporary Housing, Brgy. 105 Tondo, Maynila.

Nasa kustodiya ng MPD PS-1,ang mga suspek na sina Ian Lipasana, Mark Brillant Paminiano, Mark Brillant Paminiano,Argie Garciano, Jessie Morales, at Melvin Carlongan na pawang nadaanan habang nagsasagawa ng anti-illegal drug campaign alas-7 ng gabi sa nabanggit na lugar.


Nabatid na nakunan ng shabu ang mga suspek nang sitahin sila ng mga pulis habang nakakalat sa lugar.

Umabot sa pitong gramo ng shabu na nasa halagang P47, 609 ang nasamsam sa mga suspek .

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District - Station 1

You May Also Like