LIMA SUGATAN NANG ARARUHIN NG SUV ANG 13 SASAKYAN SA ERMITA

By: Baby Cuevas

May 13 sasakyan ang inararo ng isang Sport Utility Vehicle (SUV) habang limang driver ang nasaktan, kahapon ng umaga sa may United Nations Avenue sa Ermita, Maynila.

Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit-Vehicle Traffic Investigation Section, ilang rider at isang tricycle driver ang nadamay at nasugatan.

Batay sa ulat, naunang tumama ang puting SUV Ford Everest na may plate number NFS-1200 na minamaneho ni Neil Aries Villamor sa concrete barrier, nang bigla na lamang umano itong umangat at nagdire-diretso sa kanto ng UN at Taft Avenue.


Limang motorsiklo, isang tricycle at dalawang sasakyan ang nadamay diumano sa insident, bukod sa dalawang sasakyan pa ang unang nadamay bago ang pag-araro ng SUV.

Itinanggi naman ng may-ari ng SUV na nakainom ang kanyang driver at kasasakay lamang umano niya sa SUV nang bigla na lamang itong humarurot.

Patuloy namang Iniimbestigahan ng pulisya ang driver ng SUV at tiniyak na sasagutin ang danyos sa mga napinsalang sasakyan.


Tags: Manila District Traffic Enforcement Unit -Vehicle Traffic Investigation Section

You May Also Like

Most Read