Latest News

LIMA SA 10 PRESIDENTIAL CANDIDATES, KASADO NA SA COMELEC DEBATES

LIMA lamang sa 10 kandidato para sa presidential elections sa Mayo 9 ang kumasa sa debate na inisponsoran ng Commission on Elections (Comelec) sa darating na Sabado, ayon sa tagapagsalita nito na si James Jimenez.

Sa kaniyang Twitter post, tanging sina Manila Mayor Isko Moreno, Leody de Guzman Norberto Gonzales, Sen. Panfilo Lacson, at Sen. Manny Pacquiao lamang ang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon sa debate.

Tahasang tumanggi o kaya naman ay hindi pa nagsusumite ng kanilang ‘written commitment’ ang iba pang kandidato na kinabibilangan nina Vice President Leni Robredo, Ferdinand Marcos Jr., Ernesto Abella, Faisal Mangondato, at Jose Montemayor Jr.


Nakatakda ang unang ‘presidential debate’ sa Marso 19 at ang ikalawa ay sa Abril 3. Sa Marso 20 naman isasagawa ang ‘vice presidential debate’.

Unang tiniyak ng Comelec na ang mga paksang tatalakayin sa debate ay sumesentro sa mga isyu na pinakamahalalaga sa bansa at hindi sa personalidad. Ang mga tanong ay kinalap buhat sa iba’t ibang sektor.

Magkakasa rin ang Comelec ng ‘presidential at vice presidential town hall’ sa Abril 23 at 24. Magkakaroon ito ng kapuwa ‘remote’ at ‘live audience’, na susundan ng isang ‘post-debate roundtable’.

Una nang ibinabala ng Comelec na hindi na bibigyan ng slot sa kanilang ‘e-rally platform’ ang mga kandidato na tatangging lumahok sa oorganisahin nilang mga debate. (Philip Reyes)


Tags:

You May Also Like

Most Read