Latest News

Lima, patay sa Bukidnon massacre

LIMANG magkakamag-anak ang nasawi nang salakayin sila ng anim na armadong kalalakihan nitong nakalipas na Linggo, madaling araw, sa Lantapan, Bukidnon .

Ayon sa Lantapan Municipal Police Station, hiniihinalang land dispute ang motibo sa maramihang pagpatay sa pamilya.


Lumilitaw sa pagsisiyasat ng Lantapan Municipal Police Station na pinasok ng anim na suspek ang bahay ng isang Mael Lugnasan at pinagbabaril ang mga taong inabutan sa loob ng bahay na ikinasawi ng apat na magkakamaganak, kabilang ang isang menor de edad.

Nakaligtas naman umano si Lugnasan na nagtamo ng bala sa tiyan .

Matapos na salakayin ang nasabing pamilya ay sinunod ng mga suspek ang bahay ng isang Daniel Lugnasan at nang abutan ay pinagtataga ito ng bolo hanggang sa mamatay.


Sa sinagawang follow-up operation ng mga awtoridad ay nadakip ang tatlo sa mga salarin habang target na ng manhunt operation ang tatlo pang suspek. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Lantapan Municipal Police Station

You May Also Like