‘Lightning rally’ bilang pagkondena sa agresibong aksyon ng Tsina sa West PH Sea, isinagawa ng ilang grupo

Nagsagawa ng isang lightning rally ang iba’t ibang makabayang grupo sa harap ng Embahada ng Tsina sa Makati City nitong Disyembre 16, 2025 bilang pagtutol sa paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard laban sa mga mangingisdang Pilipino sa paligid ng Escoda Shoal sa West Philippine Sea. Pinangunahan ng FDNY Movement, ALAB at Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) ang protesta, kung saan isinagawa ang mga simbolikong kilos tulad ng pagwasak sa effigy ng barko ng Chinese Coast Guard, pagpunit ng kartong bandila ng Tsina at die-in protest upang ipakita ang panganib sa buhay at kabuhayan ng mga mangingisda. Iginiit ng mga grupo na ang insidente ay paglabag sa karapatang pantao at internasyonal na batas pandagat, at binigyang-diin na ang Escoda Shoal ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Nanawagan sila sa pamahalaan at pandaigdigang komunidad na ipagtanggol ang soberanya ng bansa at protektahan ang mga mangingisdang Pilipino. (BONG SON)

Tags: ALAB, FDNY Movement

You May Also Like

Most Read