Latest News

LIGHT TRANSPORT PLANE NG PAF NAG-EMERGENCY LANDING

NAPILITANG magsagawa ng emergency landing procedures ang piloto isang turbo prop light transport plane ng Philippine Air Force kahapon ng umaga ng biglang sumabog ang gulong nito sa Laoag International Air Port, Ilocos Norte.

Ayon kay Air Force Public Affair Office chief, Col Maynard P. Mariano ligtas lahat ang limang sakay ng eroplano ng sumadsad ito s anasabing paliparan bandang alas 10:32 ng umaga.

Sa inisyal na ulat sumabog umano ang gulong ng Indonesian made Turbo Prop NC212i with tail Nr 2119 habang nagsasagawa ng routinary landing roll sa Laoag Airport.


“ The pilots performed an emergency procedure and shutdown the engine at the runway,” ani Col Mariano . All aircrew are safe and no injury were reported.

Subalit inihayag ng opisyal na sinisiyasat pa rin nila ang insidente

“The PAF will continue to adhere to strict safety protocols to ensure the safe operation of its aircraft and equipment. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Ilocos Norte, Laoag International Air Port

You May Also Like

Most Read