Latest News

LIFESTYLE CHECK SA MGA PNP OFFICERS NA NAG-COURTESY RESIGNATION

SASALANG sa lifestyle check ang may 956 Philippine National Police senior officers na tutugon sa apelang paghahain ng courtesy resignation ng Department of Interiors and Local Government.

Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin, dadaan sa lifestyle check ang mga police colonel at heneral na nagsumite ng kanilang courtesy resignation na bahagi ng pagsisikap ng Philippine National Police na linisin ang organisasyon sa mga tiwaling opisyal na may kaugnayan sa kalakaran ng droga.

Sinasabing ang lifestyle check ay kabilang sa mga paraan na susuriin ng 5 man panel na siyang responsable sa pagsusuri sa mga rekord ng mga opisyal ng pulisya.


Ang finding ng 5 man committee ang siyang basehan kung tatanggapin ba ang kanilang courtesy resignation.

Ang lifestyle check, ay isang “investigation strategy na binuo ng mga anti-corruption agencies para matukoy ang pagkakaroon ng ill-gotten and unexplained wealth” ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Maging si dating police general at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong ay nagpahayag na dapat na maging bahagi ng ng proseso ng screening ang lifestyle check.

Samantala, inihayag naman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), mas mainam sana na ihabla na lamang ang m,ga opisyal na sangkot sa illegal drug trade. Pagpapa resigned umano sa mga PNP senior officials ay maaaring lumikha ng demoralisasyon sa hanay ng kapulisan. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: PNP Chief Police General Rodolfo Azurin

You May Also Like

Most Read