Latest News

‘LIFE SENTENCE’ SA SOUTH KOREAN PASTOR, PINAGTIBAY NG KORTE SUPREMA

By: JANTZEN ALVIN

Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang life sentence na una nang inihatol laban sa isang South Korean pastor na unang napatunayang guilty sa kasong ” qualified trafficking” noong 2017.


Ang Korean pastor na si Si Young Oh, na nag-uugnay sa Korean Christian Presbyterian General Assembly na naka-base sa Seoul, South Korea, ay napatunayang guilty ng SC third division, ayon sa desisyong isinulat ni Associate Justice Samuel Gaerlan, para sa kasong qualified trafficking in persons sa ilalim ng Republic Act No. (RA) 9208 o the Anti- Trafficking in Persons Act of 2003.

Nagpunta umano ang akusado sa Pilipinas noong 200, naging head ng theology school at pastor ngunit sa kalaunan ay natuklasan na walang permit.

Napag-alaman na ni-recruit ng akusado ang tatlong biktima na pawang 17 anyos para mag-aral ng theology at maging pastor o missionary nang walang bayad.


Kapalit nito ay pinuwersa silang magsagawa ng ‘hard labor’ sa mga construction project ng Simbahan nang walang suweldo.

Noong Abril 15, 2013 ay nagsagawa ng joint operation ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Bureau of Investigation (NBI) na nagresulta sa pagkakasagip sa tatlong menor de edad.


Unang hinatulan ang akusado ng Regional Trial Court ng Angeles City, Pampanga noong 2017 at pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Mababang Hukuman noong 2021.


Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like

Latest News