Sinampahan ng kaso sa Surigao del Norte Regional Trial Court ng Department of Justice (DOJ) siJay Rence Quilario, leader ng kultong Socorro Bayanihan Services, Inc. (SBSI) at 12 pa nitong kasamahan sa Surigao del Norte.
Kasong qualified trafficking in persons, facilitation of child marriage, solemnization of child marriage, at child abuse, ang isinampa kina Quilario, Mamerto Galanida, Karren Sanico, Janeth Ajoc, Wenefredo Buntad, Giovanni Leogin Lasala, Ibrahim Adlao, Jovelito Atchecoso, Sergio Cubillan, Daryl Buntad, Jonry Elandag, Yure Gary Portillo, at Florencio Quiban.
Magugunita na ibinulgar ni Senator Risa Hontiveros na ang kulto ay nang-abuso sa mahigit 1,00O bata sa bayan ng Socorro.
Sanhi nito, bumuo ng Task Force-Kapihan ang alkalde ng bayan kung saan natuklasan na si Quilario o “Senior Agila” , “Messiah” ang lider ng kulto .
Napatunayan base sa mga testimonya na si Quilario ay sangkot sa mga sexual abuse laban sa mga menor de edad.
Kabilang na dito ang pag-uutos umano niya sa mga batang babae na makipagtalik sa kanya at nag -aayos rin ng kasal sa mga bata nasa edad 12 anyos sa mga adults at pagkulong sa kuwarto sa mga bata para sa sexual activities.
Bukod pa diyan, ang mga menor de edad at adult ay pinupuwersang magtrabaho umano at binabantaang sasaktan kapag hindi sumunod.
Gayundin,ibinibigay kay Quilario ang 4O% hanggang 60%, ng kanilang social welfare benefits, gaya ng 4Ps at senior citizen pensions.
Samantala,igigiit ng DOJ sa korte ang paglilipat sa Maynila ng pagdinig sa kaso ni Quilario.
Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Manila o sa ibang hurisdiksiyon kung saan ang integridad ng hustisya ay nanatiling di naaapektuhan.