Latest News

LIDER NG KOMUNISTANG TERORISTA, PATAY SA ENGKWENTRO NG MILITAR

By: Victor Baldemor Ruiz

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – TULOY tuloy na nababawasan ang maliit na bilang ng mga nalalabing komunistang terorista nang mapatay pa ng military sa panibagong labanan ang isang mataas na lider ng communist terrorist group sa Sitio Kalogkog, Badiangon, Palimbang, Sultan Kudarat.

Kinilala ni Lt. Col. John Paul Baldomar, pinuno ng 37th Infantry (Conqueror) Battalion ang nasawi na si Joseph Longan alias Michael, commanding officer ng Beijing Platoon at kabilang sa mga high value target sa hanay ng CTG’s.


β€œDahil sa insidente ng pagrerecruit ng mga CTGs sa mga high school students dito sa ating lugar, mas pinaigting natin ang operasyon laban dito sa mga komunistang terorista.

Nakasagupa ng ating tropa ang di matukoy na bilang ng CTG kung saan napatay itong si Longan, na kabilang sa mga natitirang lider ng Far South Mindanao Region”, wika ni Lt. Col. Baldomar.

Ayon kay Brigadier General Michael Santos, Commander ng 603rd Brigade na narekober rin mula sa pag-iingat ni Longan ang isang granada, kanilang mga pagkain at personal na mga gamit.


β€œWala ng mapupuntahan pa itong mga miyembro ng CTG dito sa ating lugar dahil tuloy tuloy ang ginagawa nating military operations laban sa kanila. Kung maalala, July 27 din ngayong taon ay napatay din ng ating tropa si Rowie Libot alias Wifi sa engkwentro sa Limulan, Kalamansig, Sultan Kudarat.”

Pinuri ni Major General Alex S. Rillera, Commander ng 6ID at Joint Task Force Central ang 37IB at mga operating units sa matagumpay na military operation. Kasabay nito ay nananawagan rin si Maj. Gen. Rillera sa mga natitirang miyembro ng komunistang terorista na magbalik-loob na sa pamahalaan. β€œBibigyan namin kayo ng pagkakataon na magbagong buhay kasama ang inyong mga minamahal na pamilya, narito ang inyong gobyerno para kayo ay tulungan sapagkat walang nananalo sa paggamit na dahas. Alam naming naging biktima lamang kayo ng mga mapanlinlang na nakatataas na miyembro ng teroristang grupo na nagdala sa iyong kasamahan sa malagim na kasawian. Handa kaming makinig sa inyong mga hinaing”, pahayag ni Maj. Gen. Rillera.


Dahil dito, umakyat na ngayon sa 42 na mga komunistang terorista ang na-nuetraliza ng Joint Task Force Central mula unang buwan ng taong kasalukuyan. Sa nasabing bilang, 7 ang naaresto, 12 ang nasawi habang 23 ang nagbalik-loob sa pamahalaan.


Tags: Lt. Col. John Paul Baldomar

You May Also Like

Latest News