Latest News

LIDER NG KFR GROUP, ISA PA, NADAKIP NG PNP-CIDG… MGA BADING NA GUSTONG MAGING BABAE

By: Victor Baldemor Ruiz

NADAKIP ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang leader at isang kasapi ng notoryus na ‘Warla Kidnapping Group’ sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City matapos ang inilunsad na law enforcement operation.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte, inaresto ng mga tauhan ng CIDG Regional Field Unit 9 ang leader ng grupo na si alyas “Mikey” at kasamahan nitong si alyas “Nilben”dahil sa kasong Kidnapping for Ransom with Serious Illegal Detention.

Ayon sa report, sinasabing sangkot ang Warla KFRG sa kaso ng pagdukot sa mga foreign nationals, kabilang ang isang Taiwanese national, sa kanilang mga huling biktima na nasagip ng mga pulis noong Setyembre 2022 sa Paranaque, at ito ay nagresulta naman sa pagkakaaresto ng limang miyembro ng naturang grupo.

Ayon sa CIDG, ang Warla Group ay binubuo ng magagandang ‘transgender woman’ na nago-operate sa Southern part ng Metro Manila na nandudukot ng kanilang mga nakaka-date na kadalasan ay empleyado ng POGO at mga negosyante.

Dito ay hinihingan umano ng mga suspek ng pera ang pamilya at kaibigan ng mga biktima kapalit ng kalayaan ng mga ito na ginagamit naman nila sa kanilang sex reassignment surgery o “sex change”.

Tags:

You May Also Like

Most Read