Lider ng Buda Crime Group, arestado

Arestado ng Manila Police District-Police station 14, ang dalawang katao,kabilang ang lider ng “Buda Crime Group”, kahapon ng madaling araw sa isang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Barbosa Street, Quiapo, Maynila.

Nasa kustodiya ng MPD-PS 14 ang suspek na sina Edwin Aguilar, lider ng Buda Crime Grou ,at Marites Calub.


Sa imbestigasyon, naganap ang operasyon, alas- 12:30 ,ng.madaling araw sa Fraternal St., Corner Castillejos., Brgy 385, Quiapo Maynila.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang dalawang sachet ng shabu na.may .5 gramo at nagkakahalaga ng P3,400.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutors Office. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-Police Station 14

You May Also Like