Latest News

LIBRENG SAKAY SA LRT-1 AT LRT-2 SA ARAW NG KALAYAAN

By: Carl Angelo

Magandang balita para sa mga train commuters dahil pagkakalooban sila ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2) ng libreng sakay sa Lunes, Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.

Ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-125 taon ng Araw ng Kalayaan ng bansa.

Sa abiso ng mga pamunuan ng LRT-1 at LRT-2, nabatid na maaaring i-avail ang libreng sakay mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM.


“Bilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Lunes, June 12, ihahandog ng LRTA ang libreng sakay para sa lahat ng pasahero sa mga sumusunod na oras:
7:00 AM – 9:00 AM at 5:00 PM – 7:00 PM,” ayon naman sa LRT-2, na pinangangasiwaan ng Light Rail Transit Authority (LRTA).

Tags: Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), Line 2 (LRT-2)

You May Also Like

Most Read