Latest News

Libreng sakay, kinontra ang tigil-pasada

By: Baby Cuevas

Nakontra ng Manila Police District (MPD) ang iniambang tatlong-araw tna tigil pasada sa Maynila ng ilang transport group, matapos na magpalabas ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng mga sasakyan para sa libreng sakay ng mga commuter na posibleng ma- stranded.

Ang tatlong-araw na tigil pasada ay nagsimula nitong Lunes at tatagal hanggang sa Miyerkules para tutulan ang guidelines sa ilalim ng government public utility vehicle modernization program.

Nabatid na ang mga ipinadalang sasakyan ni Manila Mayor Honey Lacuna.ay pinabiyahe na may kasamang mga pulis sa mga lugar gaya ng Legarda, Quiapo at Kalaw


Gayunman, sa kabila ng bantang tigil pasada ay naging kapansin-ansin na tuloy naman ang pagbiyahe ng maraming jeep.

Nanatiling nakaantabay ang mga sasakyan para ipanghakot ng mga commuters maghapon sa Maynila.

Nabatid sa MPD na posible umanong sa Quezon City isinagawa ang tigil pasada at hindi sa Maynila.


Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like

Most Read