Latest News

LIBRENG BOARD, BAR EXAMS SA ‘QUALIFIED INDIGENTS’, ITINUTULAK NI SEN. ERWIN TULFO NA GAWING LIBRE

By: Jerry S. Tan

Sa gitna ng ‘graduation season’, higit pang itinutulak ni Senador Erwin Tulfo na gawin nang libre ang professional examination fees ng mga kwalipikadong indigents, bilang tulong sa pagkamit nila ng lisensya sa propesyong tinatahak.

Sa kanyang Senate Bill No. 2035 o “Free Professional Examinations Act,” gagawing ‘exempted’ ang mga kwalipikadong indigents mula sa pagbabayad ng exam fees.


“Naging normal na para sa mga Pilipino na nakakapagtapos nga sa pag-aaral pero nauudlot na maging lisensyado kasi kulang sa pera. Kaysa magbayad ng licensure exam fees, magtatrabaho na lang, minsan underemployed pa para kumita na agad,” ani Tulfo.

Dagdag pa ng Senador, napipigilan umano ng mga sandamakmak na professional exam fees di lamang ang pag-unlad ng mga Pilipino, kundi ang pag-usbong ng bagong henerasyon ng mga propesyunal sa bansa.

Kasali sa “Free Professional Exams Act” ni Tulfo ang Professional Regulations Commission (PRC) Board Exams, Civil Service Eligibility Exams at Bar Exams.


Sa nasabing panukala, ang kwalipikadong indigent ay susuriin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang ahensya ang siyang magbibigay ng sertipikasyon para maiiprisinta sa Professional Regulations Commission, Civil Service Commission o Supreme Court at upang masigurong makakamit ang layunin, limitado lamang sa isang beses sa isang taon ang pagkuha ng benepisyong ito.

Ani Tulfo: “Maraming sa mga kabataang estudyante ang suma-sideline pa, maitawid lang ang pag-graduate. Tulungan naman natin sila na makumpleto yung pangarap nilang maging lisensyado.”


Tags: Senador Erwin Tulfo

You May Also Like

Most Read