Latest News

Sina Mayor Honey Lacuna, Vice mayor Yul Servo at Cong. Benny Abante (6th district) kasama ang mga batang tagal-Maynila. Nananawagan si Lacuna sa mga magulang na pabakuhanan ang kanilang mga anak nang libre. (JERRY S. TAN)

LIBRENG BAKUNA PARA SA MGA BATA LABAN SA TIGDAS, BEKE AT RUBELLA SA HEALTH CENTERS, ALAY NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

NANAWAGAN si Mayor Honey Lacuna sa mga residente ng Maynila na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra measles, mumps at rubella (MMR).

Binigyang-diin ni Lacuna, na isa ring doctor, na kailangang mabigyan ng proteksyon ang mga bata sa lungsod sa pamamagitan ng libreng bakuna sa tuwing merong available sa mga health centers.

Inanyayahan ng alkalde ang mga magulang at guardians na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center bago mag-April 14 upang mai-schedule ang mga batang miyembro ng kanilang tahanan na mabigyan ng libreng bakuna na pupuwede sa kanila.


Ayon kay Lacuna, bagama’t walang tukoy na lunas para sa tigdas sa oras na mag-umpisa na ang infection na dala nito, maari namang maiwasan ang pagkakaroon nito sa pamamagitan ng pagpapabakuna na libre namang ibinibigay ng pamahalaang-lungsod.

Inatasan ni Lacuna ang mga health workers mula sa Manila Health Department (MHD) sa pamumuno ni Dr. Arnold Pangan upang mag-ikot sa mga komunidad at magbigay ng libreng MMR vaccines sa mga bata.


Aniya, ang mga target sa MMR vaccination ay mga batang edad 13 hanggang 59 buwan o mahigit isang taon na pero wala pang limang taong gulang at ‘di pa nakakumpleto ng nasabing bakuna, na ibinibigay sa dalawang doses.

Samantala, sinabi ni Lacuna na ang MHD ay nagsasagawa din ng Iibreng tuli na nagsimula. noong April 8 at matatapos sa April 25, 2025.


Ito ay sa ilalim ng programang , “Citywide Operation Tuli sa mga Health Centers” na ginagawa sa ‘first come, first served basis.’ Kailangang magparehistro ang pasyente sa pinakamalapit na health center mula sa kanyang tirahan.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read