Latest News

LIBO LIBONG TAO APEKTADO NG BAGYO… 5 REHIYON INILAGAY SA RED ALERT DAHIL KAY GORING

By: Victor Baldemor Ruiz

HINDI lamang ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at mga ahensyang nasa ilalim nito ang naka red alert bunsod ng inaasahang pang epekto ng Super Typhoon Goring.

Kahapon ay isinailalim din sa red alert ng NDRRMC ang limang rehiyon sa Luzon dahil sa banta ng super typhoon Goring na nagsimulang maramdaman ang lakas kahapon Linggo ng Umaga .

Ayon kay NDRRMC spokesperson Edgar Posadas inilagay nila sa ilalim ng red alert status ang limang rehiyon ng Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, at Mimaropa.


Kasabay nito ang pagpapatupad ng NDRRMC ng mga heightened preparedness measures habang lumalakas ang bagyo at ganap ng naging isang super typhoon nagsimulang ng hagupitin ang hilagang Luzon.

Sa ilalim ng red alert, ang emergency operations center (EOC) ng konseho sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, gayundin ang mga lokal na counterpart nito, ay kinakailangan full force physically at virtually.


Inaasahang ngayong lunes ay magpapatuloy pa ang mga pag ulan kung saan sa inisyal na ulat ay may 1,968 katao sa Ilocos Region at Cagayan Valley ang naapektuhan ng Super Typhoon Goring (International name: Saola).

Base sa latest situational report ng NDRRMC, karamihan sa apektadong residente o 1,339 sa mga ito ay nasa Cagayan Valley. Habang nasa 629 naman ang apektado sa Ilocos Region.


Sa ngayon, 832 katao o 213 pamilya ang inilipat na sa 24 evacuation centers dahil sa bagyo. Mayroon ding 265 katao o 78 pamilya ang nananatili sa ibang lugar sa labas ng evacuation centers.

Nagdulot din si Goring ng P40 milyong halaga ng pinsala sa imprastraktura sa Cagayan Valley.

Kasabay nito hindi rin madaanan ang walong kalsada at dalawang tulay.

Nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan sa Cagayan dahil sa bagyong Goring, Linggo ng umaga.

Malakas na rin ang alon sa dagat kaya mahigpit nang ipinagbabawal ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat.

Ayon kay Ruelie Rapsing, head ng provincial disaster office, kinukunsiderang areas of immediate concern ang Sta. Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez Mira, Claveria at Calayan na dinaanan rin ng mga nagdaang bagyong Egay at Betty.

Hinihikayat ang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan na magpatupad ng preemptive evacuation lalo na sa mga bahaing lugar at landslide-prone areas.

Ibayong pag-iingat ang payo ng ahensya sa publiko dahil sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa posibilidad na patuloy na magdadala ng maulan na kondisyon on sa silangang bahagi ng Cagayan at Isabela.

Tags: National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)

You May Also Like

Most Read