UMABOT ng libo-libo ang dating ‘jobless’ na residente ng Maynila na ngayon ay may hanapbuhay na.
Kaugnay niyan ay binati ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pinaka-latest batch ng mga na-Hired-On-The-Spot (HOTs) sa ‘Mega Job Fair’ na isinagawa ng Public Employment Service Office – City of Manila sa Robinson’s Mall ,Ermita, kamakailan.
Ayon kay Lacuna, ang nasabing Mega Job Fair na nag-alok ng 4,000 trabaho ay isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng lungsod ng ika- 454th Founding Anniversary nito noong June 24, o mas kilala bilang ‘Araw ng Maynila’.
Aniya, ang PESO sa ilalim ni Fernan Bermejo ay regular na nagsasagawa ng job fairs kahit weekends at ito ay upang pagkalooban ng trabaho ang mga jobless na residente ng Maynila, kasama na ang mga senior citizens at persons with disablity o PWDs.
“Lubos ang aming pasasalamat sa Department of Labor and Employment -National Capital Region, DOLE-NCR Manila Field Office, Robinsons Mall, partner-employers at sa lahat ng tanggapang national at local na katuwang ng PESO-Manila sa programang ito,” ani Lacuna.
Ang naturang job fair ay nilahukan ng 30 local employers, kung saan idinaos din ang one-stop-shop progam para sa mga may kailangan ukol sa SSS, Pag-Ibig, PhilHealth, BIR, MPD, OWWA at TESDA.














