Latest News

LGUs PNATUTULONG NG DILG SA SIM CARD REGISTRATION

INATASAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng Local Government Units (LGU’s) na pangunahan ang information drive sa kanilang mga nasasakupan tungkol sa pagpaparehistro ng SIM cards simula sa Disyembre 27.

Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na kailangang maipaliwanag ng husto ang kahalagahan ng batas na Republic Act No. 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act sa mga mobile subscriber mula sa grassroots level.

Paliwanag ng kalihim, ang SIM Registration Act ay makatutulong sa Philippine National Police (PNP) at iba pang awtoridad sa pagpapatupad ng batas sa pagsugpo sa kriminal na aktibidad.

Kaugnay nito ay nanawagan din si Abalos sa publiko na suportahan ang SIM card mandatory registration isinusulong ng gobyerno.

Binalaan nito ang mga taong manloloko at magbibigay ng mali o kathang-isip na impormasyon at mga dokumento sa pagpaparehistro ng SIM card dahil may katapat itong kaparusahan .

paliwanag ng kalihim, maaari silang maparusang makulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon at multang P100,000 hanggang P300,000 habang ang panggagaya ay sasailalim sa anim na taong pagkakakulong at multang P200,000. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

 

Tags:

You May Also Like

Most Read