LGUs at PDRRMC NAGPULONG DAHIL KAY AGHON

By: Victor Baldemor Ruiz

Sa direktiba ng Office of Civil Defense ay nagsagawa ng ugnayan at pagpupulong ang mga Local Government Unit kasama ang iba’t ibang Municipal at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council upang talakayin ang posibleng epekto ng Bagyong Aghon ang unang bagyong tumama sa Pilipinas.

Ayon kay Office of Civil Defense Administrator at Executive Director, National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) USEC Ariel Nepomuceno, iba na ang nakahanda dahil lubhang mahalaga ang pagiging maagap sa pagtugon sa mga pinsalang posibleng idulot ng bagyo gayundin ang mga kasanayan na may kinalaman sa pagsagip sa buhay ng kanilang mga residente.


Naghanda rin ang mga ito ng safety tips sa pamamagitan ng barangay visitation at ang pagpopost sa social media upang ipaabot ang mga hakbangin na maaring gawin upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Kahapon habang inaantabayanan ang pagtama ng bagyo s ailing lalawigan ay napag alaman na nagsagawa na ng prepositioning ng kanikanilang mga asset ang mga LGUs maging ang mga first responder ng gobyerno kabilang ang PNP at AFP.

Bukod dito nakahanda na rin ang ilang mga kagamitan at rescue boats ng pamahalaan na gagamitin kung sakaling babahain at kakailanganin sa low-lying communities.


Nabatid na naka alerto rin ang Philippine Coast Guard at Philippine Ports Authority (PPA) sa mga pantalan kaugnay s amga biyahe ng barko s amga laalwigan na masasapol ng Bagyong Aghon.

Ayon sa PPA, ilang biyahe ng barko sa Bisaya ang kinansela. Kabilang sa mga nagkansela ng biyahe ang mga barko ng Kho Shipping Lines na MV Masbate City na may biyaheng Mintac – Calbayog; kanselado rin ang biyahe ng Cawayan to Polambato sa Bogo City na MV Palanas Star.


Tigil din ang biyahe ng Mobo – Calbayog – Cebu na MV Pio Corpuz Star at ang biyaheng Mobo to Pio Duran ng MV Cataingan Star.

Ayon kay Eunice Samonte PPA Public Affair corporate officer . pinayuhan nila ang mga biyahero na hintayin ang updates ng mga kumpanya para sa mga susunod na advisory.


Nabatid na naka-high alert status ngayon ang Philippine Ports Authority (PPA) kaugnay sa epekto ng Bagyong Aghon.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, dapat sundin ng lahat ng Port Management Offices ang protocols sa “No Sail Zone Policy” na inilabas ng Philippine Coast Guard.

Mahalaga siguraduhin na prayoridad ang kaligtasan ng mga pasahero at empleyado ng mga pantalan na apektado ng sama ng panahon, ani GM Santiago.



Tags: National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) USEC Ariel Nepomuceno

You May Also Like