LEYTE REP. RICHARD GOMEZ, NA-VIDEO NANG BATUKAN ANG PRESIDENTE NG PHILIPPINE FENCING ASSOCIATION

Ni Itchie G. Cabayan

Naglutangan ang video na nagpapakita kay Leyte Congressman Richard Gomez na binatukan si Philippine Fencing Association (PFA) President Rene Gacuma at nakuhaan sa unang araw ng international fencing competition sa SEA Games 2025 na ginaganap sa Thailand sa kasalukuyan.


Ayon sa pahayag ni Gacuma, sinaktan umano siya at minura ni Gomez na nagalit nang palitan sa kompetisyon si Alexa Larrazabal na mula sa Ormoc City ng una, na lingid sa kaalaman ni Gomez na direktor umano ng PFA.

“When I extended my right hand to congratulate Mr. Gomez, he planted his right foot heavily on my left foot, to limit my mobility. He squeezed my right thumb very hard like he wanted to dislocate it and simultaneously said, ‘Who gave you the authority to replace that athlete?! Na-take up ninyo ito sa Board Meeting in my presence?! P***ng ina mo Rene, g*go ka!’” ani Gacuma.

Habang balak umano ni Gacuma na magsampa ng kaso laban kay Gomez, na kasalukuyang Director ng PFA at Second Vice President ng Philippine Olympic Committee (POC), sinabi naman ni Gomez na handa siyang harapin kung anuman ang hakbang ni Gacuma.


“Lumalapit siya sa akin eh. Alangan namang halikan ko siya,” ani Gomez.

Dagdag pa niya, alam umano niya bilang atleta ang damdamin ng mga manlalaro at hirap na dinaraanan ng mga ito para makasama sa national team.




Naroon umano siya sa event hindi bilang Kongresista kundi bilang opisyal ng PFA at atleta.


Tags: Leyte Congressman Richard Gomez

You May Also Like