Kinatigan ng Commission on Election (Comelec) 2nd division ang petition for disqualification na isinampa laban kay Legazpi City Mayor Carmen Geraldine Rosal.
Ang petisyon ay nag-ugat sa reklamo ni Joseph San Juan Armogila,na tumatakbo sa pagka Konsehal na noon ay nagsampa rin ng kaso kay Legazpi City Mayor Noel Rosal, sa kanyang asawa na ai Carmen, kasamang kandidato sa pagka konaehal na si Al Barizo at ang incumbent City Social Welfare and Development Office of Legazpi City Marlene Manaya.
Sa 28-pahinang reklamo ni Armogila sinabi nito na ang respondent ay lumabag sa Sections a, l, b, o, at v ng Omnibus Election Code .
Nabatid na sa counter affidavit ,may reklamo rin na vote-buying at vote-selling; conspiracy to bribe voters; intervention of public officers and employees; use of public funds, money deposited in trust, equipment, facilities na pag-aari o kontrolado ng gobyerno para sa elwction campaign, at pagbabawal sa pagpapqlabas ,s disbursement o expenditure ng public fund.
Ayon sa affidavit ito ay konektado sa 2 day cash assistance payout para sa tricycle drivers .sa.halagang tig P2,000.
Sinabi rin sa affidavit na anf pagpapalabas ng cash assistance sa tricycle drivers at senior citizens ay paglabag sa nabanggit na batas.
Sa ebidenadya ng Comelec nalaman na ai Carmen ay nagbenipisyo mula sa
Local Government Unit’s (LGU) project.
“We cannot help but conclude that as far as the public, in general, is concerned, there is direct attribution to the Respondent of the cash pay-out masked as social welfare project,” ayon sa resolution.
Kamakailan, kinatigan rin ng Comelec First Division ang petisyon na madiskuwalipika ang kanyang asawa na si Albay Governor Noel Rosal dahil sa paglabag sa 45-day spending ban.
Gayunman,sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na hindi pa ito pinal at executory. (Arsenio Tan)