LEC, katuwang ang US at Japan na pangunahing pinipili ng mga Pilipino bilang pang-ekonomiyang katuwang; Taiwan, patuloy na nakikilala

Mas maraming Pilipino ang tumitingin sa Estados Unidos at Japan bilang pinakamahalagang pang-ekonomiyang katuwang ng bansa.

Kapwa tumaas ang pagtangkilik sa dalawang bansang ito sa pinakahuling sarbey na kinomisyon ng Stratbase Group, habang isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mas malalim na kooperasyong pang-ekonomiya at estratehiko sa dalawang kaalyado.


Sa surveyna isinagawa ng Pulse Asia noong Setyembre 17–23 sa ilalim ng komisyon ng Stratbase Group, tinanong ang 2,400 respondente na pumili ng tatlong bansa mula sa isang listahan na itinuturing nilang pinakamahahalagang pang-ekonomiyang katuwang ng Pilipinas.

Nanguna sa mga pinili ang Estados Unidos (73 porsiyento), Japan (62 porsyento), Canada (35 percent), Australia (30 percent) at South Korea (21 porsyento).

Partikular na tumaas nang 10 porsiyentong puntos ang pagtangkilik sa Japan, mula sa 52 porsyento noong Hulyo. Samantala, tumaas naman nang dalawang porsiyentong puntos ang rating ng Estados Unidos, mula sa 71 porsyento noong Hulyo.


Ayon kay Stratbase Group President at CEO Prof. Victor Andres Manhit, ipinakikita ng tumataas na pagtangkilik sa Estados Unidos at Japan ang lumalawak na pagkilala ng publiko sa papel ng mga ito sa pagpapalakas ng posisyong pang-ekonomiya at estratehiko ng Pilipinas.

*”Lalong kinikilala ng mga Pilipino na malapit na nakaugnay ang ating seguridad pang-ekonomiya sa mga pakikipagtuwang natin sa mga bansang mapagkakatiwalaan. Ipinakikita ng tumataas na pagtangkilik sa Estados Unidos at Japan ang tiwala sa mga katuwang na makatutulong sa Pilipinas na mapalawak ang pamumuhunan, mapatatag ang mahahalagang imprastraktura, at matiyak ang ating puwesto sa mga umuusbong na supply chain ng teknolohiya,”* ani Manhit.


Lumabas ang mga resulta ng survey habang isinusulong ng administrasyong Marcos ang **Luzon Economic Corridor (LEC)**, isang inisyatibong pinagtutulungan ng Pilipinas, Estados Unidos, at Japan na naglalayong manghikayat ng pamumuhunan sa imprastraktura, malinis na enerhiya, paggawa ng semiconductor, serbisyong pang-logistika, at digital connectivity.

Nakakuha rin ng suporta ang LEC mula sa iba pang mga katuwang, kabilang ang Australia, South Korea, at European Union. Layunin ng Pilipinas na pag-ibahin ang mga pinagmumulan ng suplay at mabawasan ang mga panganib na dulot ng labis na pagdepende sa iisang bansa.


Tumaas din ang rating ng Canada at South Korea nang pitong porsyento ng puntos at isang porsyento ng punto, ayon sa pagkakasunod, kumpara sa kanilang mga rating noong Hulyo. Samantala, bumaba naman nang limang porsiyentong puntos ang rating ng Australia.

Ang susunod na limang bansa sa listahan ay ang United Kingdom (20 porsyento, bumaba ng 6 na puntos), European Union (14 porsyento, tumaas ng 1 punto), China (14 porsyento, bumaba ng 3 puntos), Taiwan (11 porsyento, tumaas ng 3 puntos), at India (2 porsiyento, walang pagbabago).

Ang survey ay may ±2 porsiyentong margin of error** sa pambansang antas.



Ayon kay Manhit, maaaring mas mataas pa sa 11 porsiyento ang rating ng Taiwan bilang pang-ekonomiyang katuwang ng Pilipinas, lalo na’t nangunguna ito sa buong mundo sa paggawa ng semiconductor.

*”Maaaring mas mataas pa ang rating ng Taiwan dahil sa lumalaking kahalagahan nito sa ekonomiya at teknolohiya ng Pilipinas, partikular na sa mahalagang papel nito sa ating mga supply chain ng teknolohiya at semiconductor. Maaari ring makaapekto sa pagtingin ng mga Pilipino sa posisyon ng Taiwan bilang isa sa ating mga pang-ekonomiyang katuwang ang paraan ng kanilang pag-unawa sa mga pagpipiliang nakasaad sa survey,”* paliwanag ni Manhit.JESSE RUIZ

Tags: Jr., Pangulong Ferdinand Marcos

You May Also Like

Most Read